Alam naman nating lahat na tuwing darating ang buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang “Buwan ng Wika”. Kapag iisipin mo ito ano ang unang pumapasok sa iyong isipan kapag narinig mo ang salitang “wika”? ito ba ay mahalaga sa ating buhay? Ano ang magagawa nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay o ano ang layunin nito?
Ang
wika ay importante sa ating buhay. Ginagamit natin ito araw-araw dahil sa mga
bagay na naibibigay nito sa atin. Ang wika ay sistema o grupo ng mga salita na
ginagamit natin para maipahayag an gating mga damdamin at ideya sa isa’t isa. Sa
pagpunta natin sa ibang lugar, marami tayong makakahalubilo na iba’t ibang tao
at nakikipag-usap tayo sa kanila. Ang isang layunin mg wika ay ginagamit na
komunikasyon upang makausap natin ang isa’t isa. Sa pagdiriwang ng “Buwan ng
Wika” maraming tao ang nakilahok. Tulad sa aming paaralan, ang organisasyon ng
Filipino ay gumawa o nagpatupad ng iba’t ibang mga paligsahan at mga programa
na konektado sa ‘Buwan ng Wika”. Isa na rito ang Sabayang Pagbigkas, na tungol
sa mga ginawa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na siya ring
nagsabi n adapt gamitin natin at mahalin an gating sariling wika.
Ang wika
ang daan upang magkakabuklod at magkaisa tayong lahat. Kaya dapat isabuhay at
isaisip natin ang importansiya at layunin ng wika sa ating buhay at dapat
gamitin natin ito hindi lamang sa ikakabuti ng iyong sarili pati narin sa
ikakabuti ng lahat.